Tuesday, April 9, 2013

Tuwing Umuulan

Kaysayang tingnan ng mga batang
Naliligo sa malakas na ulan
Tila nagpapaalalang buhay kaysaya
sa daigdig ng mga bata

Ang lamig ng tubig-ulan 
Pumapawi sa pagod dala ng nakakalokang init
Ang lakas ng hangin nama'y Sumasabay sa talon, kaway at habulan
Ng mga batang naglalaro sa buhos ng ulan












1 comment:

  1. Magandang Araw. Ipagpapaalam ko lang na ginamit ko ang isa sa iyong mga larawan para sa aking blog. Nilagay ko ang url ng iyong website bilang source.

    Kung ayaw niyo itong ipagamit ay maaaring ipagbigay alam sa amin sa support@filipinongtotoo.com

    O kaya naman ay mag-komento na lang sa isa sa mga artikulo ng nasabing website (http://filipinongtotoo.com).

    Maraming Salamat!

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...