Thursday, July 19, 2012

Sine

Relax and see a movie.

Ilang oras mula ngayon, ang pinilakang tabing ay muling magbubukas para sa mga taga-Tagum, na halos ilang dekada ding pinagkaitan ng ligaya ng panonood ng sine. Sa ngayon, kalat na kalat na ang updates ng isang malaking mall dito ukol sa -- well, gamit ang kanilang lingawahe, -- soft opening ng dalawa nitong sinehan bukas. Sa kabila nito, natanong din ba nila kung merong hard opening kung meron man? :)



Bukas ay Biyernes. Siguro bukas, maraming mapapa-TGIF at susugod ala-Bonifacio style sa sinehang ito. Sa tingin ko, blockbuster ang pila bukas. Siguro marami ding walang humpay ang pasasalamat dahil sa kanilang matitipid sa pamasahe papuntang Dabaw...na sa halip pambayad-pamasahe ay ibibili na lang ng popcorn. Yung extra large. Cheese. Samahan mo pa ng malamig na canned soda.

Ang lugar na to ay tiyak na magiging patok na dating place ng magkakapamilya, magbabarkada o magsing-irog. *lightbulb!* Isa na ito siguro sa mga rason na nagbibigay-ngiti sa atin, lalo na sa mga estudyante.

Ako man ay masasabing adik din sa pelikula. Maliban sa big screen, suki ako ng mga magagandang palabas na may kabuluhan. Nakakatiyak ako mula bukas, magiging household cliche na sigurado ang mga salitang relax and see a movie.



Sana sa pagbubukas ng pinilakang tabing dito sa atin ay magbukas din ang ating kritikal na perspektibo sa larangan ng pelikula. Hindi lang yung konting kilig, aksyon, drama o horror ay okey na. Dati rati pag nanonood tayo ng pelikula hinihintay natin kung sino sa mga bida ang magsasabi ng "Title".

Ngayon, mga indie films na lang ang magaganda, dahil sa tunay na tunay ang script, hango sa realidad ng buhay, mga pelikulang maliit man ang “Budget”. Pero grabe naman ang mga gustong ipahiwatig. Sana bumalik na ito sa industriya ng pelikula sa Pilipinas.

Whatever. Basta sigurado mage-enjoy tayo habang maging mapanuri.

Maging kritiko.

Ewan ko, pero kapag nanonood ako ng sine, napapatanong ako sa aking sarili: "How could this be so larger than life?"

Siguro nga ganon nga ang misyon ng pelikula. Sinasalamin nito ang ating mga buhay-buhay at pinapaalala sa atin na ang buhay, parang sine lang.

Louie.
Nagsulat dahil bored.

PS: Sa mga Tagum, cool lang po. Handle your excitement. Ubusin ang popcorn. 

Relax.

1 comment:

  1. Grabe ka Louie..di makaya imong BLOG POSt..

    Ikaw njud ang gitakna..

    Gitakna nga mosunod kang Rizal...

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...