Ilang oras mula ngayon, ang pinilakang tabing ay muling magbubukas para sa mga taga-Tagum, na halos ilang dekada ding pinagkaitan ng ligaya ng panonood ng sine. Sa ngayon, kalat na kalat na ang updates ng isang malaking mall dito ukol sa -- well, gamit ang kanilang lingawahe, -- soft opening ng dalawa nitong sinehan bukas. Sa kabila nito, natanong din ba nila kung merong hard opening kung meron man? :)
Bukas ay Biyernes. Siguro bukas, maraming mapapa-TGIF at susugod ala-Bonifacio style sa sinehang ito. Sa tingin ko, blockbuster ang pila bukas. Siguro marami ding walang humpay ang pasasalamat dahil sa kanilang matitipid sa pamasahe papuntang Dabaw...na sa halip pambayad-pamasahe ay ibibili na lang ng popcorn. Yung extra large. Cheese. Samahan mo pa ng malamig na canned soda.
Ang lugar na to ay tiyak na magiging patok na dating place ng magkakapamilya, magbabarkada o magsing-irog. *lightbulb!* Isa na ito siguro sa mga rason na nagbibigay-ngiti sa atin, lalo na sa mga estudyante.
Ako man ay masasabing adik din sa pelikula. Maliban sa big screen, suki ako ng mga magagandang palabas na may kabuluhan. Nakakatiyak ako mula bukas, magiging household cliche na sigurado ang mga salitang relax and see a movie.