Magsusulat ako hindi sa wikang banyaga ngayon. Hayaan n’yo na. Dahil tulad ng nagdaang mga buwan, blockbuster kung maituturing ang mga pagbabagong nangyari sa ating mga buhay-buhay. Hayaan n’yo na. At para maging epektibo ang pagbabago, binabalik-tanaw ang mga kajologsan at mga sablay na dapat ayusin. Saka ipri-press release (read: ilalako sa pamamagitan ng pag-tag sa facebook) sa mga kaibigan ang bagong magiging japorms at dating pati na rin ang mga plano sa susunod na tatlong daan at animnapu’t limang mga araw.
Ako’y naaliw nang kagabi lang ng makita ko ang isang batang lalaki. Siguro nasa mga anim na taong gulang. Payatot pero kyut. Para akong tinamaan ng inggit nang makita ko itong batang ito—tumatakbo, naglalakad, tumatakbo ulit—suot ang sapatos na umiilaw. Syet. Loko lang. Pangarap ko kasi noong ako’y bagets pa ang magkaroon ng umiilaw na sapatos. Feeling ko kasi parang cool at magmumukha akong barkada si Alpha 5 ng Power Rangers. Sa mga anak ng dekada nobenta, si Alpha 5 ang pinagkakatiwalaang assistant robot ni Zordon sa Power Chamber. Tanyag s’ya sa kanyang "Aye-yi-yi-yi-yi!" na dayalog.-
Ngayong ako’y bente uno anyos na, kahangalan kung ako’y mangangarap pa na magkaroon ng umiilaw na sapatos. Para namang epic fail kung maglalakad ako sa city hall araw-araw nang suot ito. Weirdo. Mula sa umiilaw na sapatos, level-up at big time na kung ako’y mangarap. ‘Yun ang cool.
Talaga namang ang laki na ng ipinagbago ng panahon. Tulad ng taong 2011, saksi ako sa mga madramang pagbabago sa lipunan, sa mga nagbagong kaibigan at maging sa nakaka-aliw na mga pagbabago sa facebook. Taon din ito ng paglalakbay, pagtuklas, pagtaas ng timbang at pangangabilang-bakod. A brave new world, ika nga ni Maria Ressa. Ganyan naman talaga ang buhay. Tulad ng pag-ibig, darating kung kailan mo hindi inaasahan at aalis kapag hindi ka handa.
Kung meron mang isang bagay na gusto kong gawin sa oras na ito, ‘yun ang mangumpisal. Eating has done me so much sin.
Sa tingin ko, trying-hard na blogger ako ngayong taon. Blogger na nagsusulat ng mga walang kwentang bagay. Kaya sa huling pagkakataon ngayong 2011, hayaan n’yo akong ilista ang mga remarkable na mga tao, pangyayari at mga bagay-bagay ngayong 2011. Pati na rin ang mga plano ko sa taong darating. Li-level up at isusumpa na ang pangarap na magkaroon ng isang umiilaw na sapatos. Sa panahon ngayon, ang mangarap na magkaroon ng Angry Birds na lobo ang uso. Hehe.
BORDERLESS OPPORTUNITIES
Dose anyos pa lang ako’y nagsimulang magsulat. Kumbaga pers lab kung maituturing ang pagsusulat. Totoo nga ang kasabihang “Find a job that you love and you will never work in your entire life.” Isang napakalaking pribileheyo na maging isang manunulat para sa Zee-Ay-Owh.. Nang ako’y nangabilang-bakod nitong Pebrero, big-time ang opportunities. I lab it. At isa ring malaking karangalan ang maka-trabaho araw-araw ang mga ka-opisina sa hirap man o sa ginhawa
GUMAGALA
Totoong nakakahawa ang idealismo ng mga taong nakapaligid sa’yo. Pero lalong nakakahawa ang mga taong mahilig gumagala: mga kuwento nila’y nakakainggit, mga kuhang litrato nakakamangha. Syet. Oktubre ng taong ito nang ako’y unang tumapak sa Cebu kasama ang bespren kong si Zyzle. Enjoy na enjoy ako ‘nun. Maka-ilang beses din akong nag-side trip sa kalakhang Maynila ngayong taon na ang isang paglakbay ko roon ay naging mitya upang ako’y hindi matuloy sa Zamboanga at Basilan nitong Nobyembre. Sa susunod na taon, susubukan ko uling maglakbay. Sana.
MGA LARAWAN
Nitong taon lumawak ang pagkakaunawa ko sa ISO, shutter speed at aperture. Salamat sa mga kasama sa opisina. Kaya naman, sangkatutak na mga larawan ang naipon ko. Tulad ng pagbabasa at pagsusulat, ibang level ng satisfaction ang hatid ng pagpitik ng kamera.
Hindi kumpleto ang taong ito kung wala ang mga nakakamanghang mga kaibigan na nagpasiklab ng aking 2011. Heto sila:
Isa sa mga napaka-cool na tao na nakilala ko ngayong taon ay si Mam Tess Halili aka Lakwatserang Paruparo. Bakit? Mantakin mo: isa s’yang blogger katulad ko, kumukuha din ng mga magagandang litrato hindi katulad ko at s’ya ang dahilan kung bakit may autograph ako mula kay Maria Ressa. Maliban sa mga dahilang ito, kakaiba ang babaeng ito dahil sa kanyang adventurous spirit sa kabila ng kanyang edad. Parang bata-bata lang. Higit sa lahat, para s’yang isang maalagang ina online. Naku, ang galing-galing n’yang mag-Ingles at kami ay nagpapasalamat sa kanyang mga ipino-post sa facebook na may kinalaman sa grammar at spelling. Sa hilig n’yang maglakwatsa kung saan saan, minsan naiisip kong kamag-anak ba n’ya si Dora the Explorer.
Kung merong isang taong nag-uumapaw sa idealismo at pagmamahal sa blogging, ‘yun nag ka-opisina kong si Leo Timogan. Hindi n’yo naitatanong, award-winning photographer ang lokong ito. Buwan ng Pebrero sa kasagsagan ng International Rondalla Festival nang makilala ko s’ya at buwan ng Mayo ng kami’y naging magkatrabaho sa Zee-Ay-Owh. Siya na siguro ang pinaka-mean na taong icha-challenge ka at ipu-push to the limits. “You can do better than that” ang parati n’yang sambit sa akin sa tuwing feeling n’ya mediocre ang mga outputs ko. Pero okay naman. S’ya ang blogger ng ground-breaking na Tagum Exposure, ang kauna-unahang blog na nagdo-dokumento ng tungkol sa Tagum. S’ya na. S’ya na ang magaling! As in. At kung meron man akong wish sa kanya para sa susunod na taon, yun ay manalo s’ya sa Philippine Blog Awards. Chos!
Si Sir Nestor Horfilla ay isang alamat. Ang kanyang komprehensibong kaalaman sa kasaysayan, kultura at antropolohiya gayun din ang kanyang swabeng pagsusulat at magaling na pamumuno ay talaga namang kahanga-hanga. In short, isa nga s’yang alamat.
Ang talent na pinakagusto kong gawin – ang mag-illustrate at mag-doodle – ay nasa kamay ni Juan Tamad. Nakakainggit.
Panghuli, nais ko ring pasalamatan si Zyzle na nagpapaalala sa akin na hindi kailangang seryoso parati ang buhay. Sa kabila ng pagkamainitin ng aking ulo, s’yay andyan parin kahit alam kong boring akong kasama. Sa mga food trips. Sa mga lakwatsa. Sa kanyang hindi mabilang na mababahong utot ngayong taon. Salamat. Ang baho!
At sa lahat ng mga taong naging bahagi ng aking buhay sa taong 2011 --- sa mga guro, mga manunulat, mga kapwa mahilig sa fotograpiya, mga katrabaho sa gobyerno, mga kaibigan, mga online buddies, mga tindero/tindera sa mga karinderyang aking kinakainan, mga crew sa fastfood at coffee shop, sa CIO family, sa mga drayber ng single motorcycle at pedicab, sa mga dating katrabaho, sa mga bigo sa pag-ibig --- Maraming Salamat.
Bagong taon na naman ang sasalubungin—taon na siguradong magiging hitik sa bagong kaalaman, pagtuklas at pakikipaglaban tulad ng nagdaang taon. Sa 2012, simula na naman ng pakikipaglaban. Mga blog na kaabang-abang. Mga larawang hinding-hindi kukupas. Mga lugar na lalakbayin. Mga bagong kaibigang makikilala. Lab layp aatupagin bago pa man magunaw “daw” ang mundo sa Disyembre 2012.
Ready na ako for 2012. Ikaw?
hahaha....special mention talaga c zyzle...hehe...keep it up louie...though minsan lang tayo magkita...thank you for sharing this blog with me...Soar high!!!...^^
ReplyDeletehaha ang imong gibati sakoa mao pd ko sa imo loi. bwahahaha. lugi kaayu ko ug sulat2 mao matingala jud ko nganung naapil ko sa Tagum Bloggers nga group page. haha feel nako wala ko na belong. dd2 ko sa side sa mga readers, fans, subscribers siguro mabelong haha. VOW kaayu ko sa imuha loi. ug sa tanan mga bloggers. ROCK ON!
ReplyDeleteyou write well. galing. napabilib ako. para lang akong nagbasa ng mga akda ni bob ong o di nman kaya ni lourd de veyra.
ReplyDeletebilib ako ;)
PagkaBISAYA! hahaha you're so mean Louie boi, parang tinubuan ako bigla ng sungay at buntot. hahaha gustong gustong gusto ko ang pagkakasulat... pero you can do better than that. hahaha epic!
ReplyDeletekuya, make xur na atupagun jud nimu ng lablayp.hehehe.kuya hindi pa rin huli ang lahat para magkaroon ka ng sapatos na umuilaw.isipin mo nlng na para kang K-pop star sa suot mo na umiilaw na sapatos.hehehe...keep it up kuya and keep on shining!=)
ReplyDeletenice one sir louie! thank u also for being a part of my 2011! looking forward s 2012!! thanks s mga taga-CIO for making me part of ur owpis!!! mabuhay silingan! pakusgi dayon inyong WI-FI aron maabot dri s SPORTS!--jingle
ReplyDeletehehe!! nice ang story telling sir..
ReplyDeletemay pagka makata ..hehe!!
lab ko ang edited pics..
bongga!!!
zee-ay-owh(CIO jejemon translation)..
more pahh!!
Cool and that i have a tremendous provide: Who Repairs House Siding exterior home renovation
ReplyDelete